Power to Inspire

Bukod sa paglalaro ng pambansang sugal na Bingo, pagbili ng V-Neck na toga este t-shirt at pagbili ng librong pambata na makakatulong para sa kanilang pag-aaral tulad ng recipe book, song hits, Philippine Ghost stories, Garage magazine, libro ni Bob Ong at iba’t ibang mga alamat tulad ng “Alamat ng Sayote”… teka mali, basta mga educational books, ay isang taos-pusong pagtulong na mala- “Brigada Eskwela” ang aming naisagawa noong Sabado kabilang ang aking mga ka-opisina, mga boss,  mga boss ng boss at mga boss ng boss ng mga boss(get it? haha!).

p5 p1 p2Class decoration, face painting, sports clinic, movie watching kasabay ng story telling at iba’t ibang klaseng parlor games ang naging aktibidad noong araw na yun. Napuno ng mga empleyadong volunteers galing SPi Global ang buong Rivera Village Elementary School pati bubong at syempre kasama ako dun. Isang kagalakan ang makapaghatid ng tulong sa kapwa lalo na sa mga bata na siyang magiging mga pag-asa ng ating bayang sinilangan (ang deep!).

p3

p4

Masayang tumulong pero mas masaya siyempre kapag may merienda  kahit na nakakapagod dahil alam mong may saysay ang pinagpapaguran mo. Hindi madaling magdikit ng cartolina sa styro gamit ang glue, imposible. Decorate ng room, linis, ligpit ng mga gamit, bigla kong naalala ang pagiging cleaner ko nung nag-aaral pa ko.

Teacher: Misis, pinatawag ko po kayo kasi ang inyo pong anak ay napakatamad maglinis ng classroom.

Nanay ko: Sa’min rin naman tamad maglinis yan, pinatawag ko ba kayo?

Boom! Pero siyempre, imagination ko lang yun. Ang sipag-sipag ko kayang maglinis noon, mapaloob at labas ng classroom. Masipag akong  Kahit lupang walang halaman dinidiligan ko, umaasang may tumubong puno ng santol dahil sa mga butong pinagtatapon ng mga classmate ko doon. Siyempre isip-grade2, malay ko ba.

Hindi ito ang unang pagkakataong mapasama ako sa ganitong klaseng outreach program dahil bukod noong nakaraang taon na CSR(Corporate Social Responsibility) namin na company iniated ay napasama ako sa mga kaibigan ko na maghatid naman ng tulong sa Binayoyo, Elementary School sa Calawis, Antipolo. Alam kong hindi rin ito ang huling pagkakataon dahil laging bukas ang aking schedule(naks!) para sa pagtulong sa kapwa. KTNXBYE.

p6

_____________

“You may not have saved a lot of money in your life, but if you have saved a lot of heartaches for other folks, you are a pretty rich man.” ― Seth Parker

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s