Candies in the Sky

Kapag nakumpleto mo daw ang panunuod ng International Pyromusical Competition mula February 15 hanggang March 22 kada Sabado ay matutupad ang anumang hilingin mo.

Pero siyempre imbento ko lang yun! 🙂

Muah Muah Muah! — sigaw ng barker ng cab papuntang Mall of Asia.

Dahil sumali na naman ako sa pakulo ng Mall of Asia sa Twitter, nabigyan na naman ako ng dalawang Gold Center tickets. Actually, hindi ko na naman inaasahan na mananalo pa ko dun. Nag-tweet lang ako sa mga kaibigan ko ng “Sali tayo dito!” (with attached promo pics) tas na-consider na pala na entry yun, kaya paggising ko nung Friday ng umaga ay nakatanggap na ako ng DM galing sa @themallofasia na nanalo nga daw ang ng tickets.

with Charmie Rose

Two tickets. Kapag single ka at 2 tickets lang ang napanalunan mo sa isang contest… mahirap, mahirap mag-isip at mamili  kung sino sa mga kaibigan mo ang isasama mo, yung hindi masyadong busy,  laging “GO!” sa mga galaan at malapit lang sa MOA. Kaya naisip ko agad si Charmie na taga-Fairview(Oh di ba ang lapit niya sa MOA).

Nagliwanag ang gabi sa naggagandahang kinang ng mga dyamante sa kalangitan at tila mga candy dahil sa iba’t ibang mga kulay na nagmistulang  nagpapagaw sa ere. Okay na sakin yung InstaVideo na 14 seconds lang para i-share sa aking Instagram, ayokong kuhanan ng video ang buong eksena, pero gusto kong mapicturan ang ilan. Nakaka-amaze makakita ng mga ganito kagandang fireworks, nasanay kasi ang mata ko sa mga fireworks na laging nakikita sa mga fiesta.

20140222_194312

20140222_194424[1]

20140222_203832[1]

20140222_194824

20140222_195646

20140222_204600

20140222_204733

20140222_205433

20140222_205059

PhotoGrid_1393088115745[1]

PhotoGrid_1393113597497[1]

Narito ang schedule ng mga bansang maglalaban-laban sa buong kompetisyon, siyempre exempted ang Philippines.

FEBRUARY 15, 2014 (Philippines & Australia)
FEBRUARY 22, 2014 (Spain & UK)
MARCH  1, 2014 (France & Japan)
MARCH  8, 2014 (China & Germany)
MARCH 15, 2014 (Finland & Canada)
MARCH 22, 2014 (USA & Philippines)

May iba’t ibang klase ng ticket na mabibili depende sa kung anong gusto mong pwesto, Pinaka-mura na ang P50 pero wala ka sa area, ipapakwento mo na lang sa mga nakapanuod.

Silver Gilid (P100)
Gold Center (P300)
Gold Gilid (P300)
VIP Angas (P500)
Patron Yabang (P1500  with Dinner)

One thought on “Candies in the Sky

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s