Ride All We Can

Marami rin pala ang nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng February o nagkataon lang na marami akong kakilala? Ilan sa kanila ay mga malalapit kong kaibigan at ang isa sa kanila ay nag-ayang pumunta sa Star City, si Muikol, ang birthday boy, kasama ibang mga katropa niya na iba mga tropa ko din.

with Michael Muikol, Jerome Caldito, Dups Sandoval

Si Muikol yung naka-black na naka-dila

Hindi ako mahilig sa mga rides pero nae-excite akong sumakay. Bigla kong naalala yung una(at huli) kong sakay sa Space Shuttle sa Enchanted Kingdom, sobrang saya. 😦

Bago ang matitinding rides ay nagpalamig muna kami sa Snow World, na kung saan bagsak sa -15 degrees celsius ang lamig dito. Bawal ang cellphone at camera. dahil May magpipicture naman sa inyo sa loob, yung nga lang may bayad syempre.  Naka- 74x ata kaming pabalik balik sa slide.  Sarap!

20140206_194543_LLS

Kabilang ang ilan pa namin kasama, una kaming sumakay sa Surf Dance.  Ang rate ko sa tindi ng ride na ito ay 8/10, nakakahilong panuorin pero masarap at masayang sakyan kahit nakapikit lang ako buong paikot-ikot.

20140206_175521

Pagdating sa ibang mga rides ay halos matagal pa ang oras ng pag-aantay sa pila kesa sa pag-eenjoy sa pagsakay dito. Yung tipong pwede pa kayo magbonding moments habang nakapila, pwede kayo mag-share ng mga problems, magkwento mga bagay-bagay nung bata ka pa o di kaya pwede pa kayong maglaro ng chess habang nag-aantay.

Camera 360

Ang sunod namin nilang sinakyan ay ang Star Flyer, ang kaisa-isang inverted roller coaster sa Pilipinas.  Medyo matindi ang ride na ito pero matapos kong panuorin sila mukha namang okay at cool sakyan, kaya ang kaya ang rate ko dito 9/10.

Ang sunod naman nilang sinakyan ay ang Flying Frisbee. Dahil may nakita akong nahimatay pagkatapos sumakay dito mukhang nakakatakot at nakakahilong sakyan bibigyan ko ‘to ng rate na 10/10.

20140206_180855

Sinubukan din nila ang Jungle Splash na dating Wild River. Medyo nakakatakot ng konti lalo na kung iisipin mo na may napabalita na na may napamatay dito noon, kaya bibigyan ko ito ng 8.5/10.

Teka, bat parang puro sila. Okay. Nakasama na ko sa mga rides dahil ang mga sumunod namin sinakyan ay Dragon Express(6/10) at yung isa na nakalimutan ko ang tawag, sinearch ko sa website nila, hindi naman nabanggit, bago lang atang ride na yun na gagawin lang sayo ay hiluhin ka ng hiluhin pero masarap naman at makatao kesa sa Flying Frisbee. Ang rate ko sa ride na yun ay 6.5/10.

20140206_201108

Isang nakakarelax namag ride ang Pirate Adventure na aming nasakyan bago mag-dinner. Medyo mahinahon na Rio Grande(Enchanted Kingdom) ang dating nito saken at walang kang ibang gagawin kundi magrelax at panuorin ang mga makikita mo sa loob ng kweba habang inaalon ka palabas.

Camera 360

Dahil sa maikling oras namin o di kaya ay dahil sa mahabang oras sa pila sa ibang rides ay hindi na namin nasakyan yung iba kaya pagkatapos kumain ay nagpahinga at relax muna sa Giant Star Wheel (4/10) at hindi pa dun nagtapos ang lahat dahil umulit pa ulet kami sa Surf Dance (favorite lang?). Gusto ko pa sana sumakay sa Bumper Car pero wala na talagang oras.

Sa kabuuan ay naging sulit at napakasayang karanasan ang makasama at magkaroon ng mga bagong kaibigan sa ganitong lugar.

20140206_213951_LLS

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s