College Days

Sabi nila ang malimit daw maalala ng mga teacher ay yung BEST in class… at worst.

…sa kasawiang palad nasa gitna lang ako. 🙂

Noong huling linggo ng January ay naisipan namin ni Popoy (highschool/college tropa)  na bumisita sa dati naming school, tutal bukod sa may alumni homecoming ay College week din naman, open house, open sa lahat ng gustong pumasok. at manghimasok. Hindi ko na rin ineexpect na makikita at maalala pa ko ng mga naging teacher ko noong college.

smcl

Marami rin naman ang nagbago dito, bagong pintura, bagong tarpulin, bagong… tulad nito. – SMCL (Saint Michael’s College of Laguna)

Ang bilis lang ng panahon, parang kelan lang… isang napakahirap na pagsubok para sa isang iskolar na mapanatili ang mataas na grades. Kung hindi siguro ako iskolar malamang hirap na hirap ako sa pagbabayad ng mataas na tuition fee.

May mga araw nga(madalas) na fifty pesos lang ang baon ko, kasama na dun ang pamasahe na P38 balikan, so bale P12 lang ang pang merienda ko. Pero madalas din naman akong magbaon ng pagkain ko sa lunch kaya okay na rin, okay na sken yung chicken balls o kwekwek sa  tapat ng school bilang merienda sa hapon dahil may mga araw kasing hanggang 8pm ang klase namin kaya kailangan kumain kahit konti para may laman ang utak para sa klaseng minsan ay hardcore programming.

Believe it or not, hindi ako nahilig sa Dota. Dapat ba kong matuwa o dapat ikalungkot ko kasi hindi ako napapasama sa iba kong mga katropa. Mas inuuna ko kasing problemahin ang Friendster profile ko yung mga assignments at iba’t ibang research.

Aral, aral, saulo ng kung ano. Minsan mapapansin mong mas pinapahirapan ka pa ng mga minor subjects. Mas maraming sinasaulo, mas mahaba ang mga exam, lakas maka-National Achievement Test.

Kapag may major subject, gawa ng flowchart, design ng web interface, ipa-run ang ginawang program tapos testing! Buti na lang group work. Ang hirap din kasi ng walang sariling computer sa bahay lalo na kung ang kurso mo ay related sa computer. May mga pagkakataon na sa isang computer shop kami nagra-run/testing ng program. Natatawa ko minsan, kasi iniimagine ko lang yung iniisip samin noong babaeng taga bantay ng computer shop sa tuwing magbubukas kami ng mala-command prompt na interface ng C++. “Hala ano kayang gagawin nila, iha-hack kaya nila ang system namin? Bakit puro blue ang screen nila? (kabado)” 🙂

turbo-c++-window

Kung iisipin mo, ang magiging trabaho namin ay mag-tolerate ng mga tamad. Ganun ang tingin kong konsepto ng teknolohiya sa ngayon, pero syempre sa mas convinient na paraan.

Para sken, mas memorable pa rin ang highschool life, pero marami rin naman naituro saken ang college days bukod sa mga major at minor subjects na kaugnay sa aking kurso (B.S. Computer Science), ito ang mga bagay na wala sa libro,  wala sa mga lesson plan ng mga professor at hindi mo mase-search sa Google. Ito yung mga bagay na humubog sa pananaw mo sa buhay, yung mga bagay na nagpa-mature sa isipan at gumawa ng mga desisyon nakapagsimula ng pagbabago hindi lamang sa ating mga sarili kundi pati na rin sa pakikisalamuha natin at magiging tingin sa atin ng iba. Hindi ka na bata na iiyak kapag inagawan ng candy. Ito yung mga panahon sa buhay mo na madami kang pagdadaanan. Madaming mga mapanuksong pagkakataon na susubukin ang katatagan ng iyong pagkatao at pagiging matiyaga. Matuto ka na rin magtali ng sintas ng sarili mong sapatos at tumayo sa sarili mong pagsisikap. 

BgG6eYvCcAAmyPn

Mini panaramic view: May program/contest ang school 🙂

Kapag nag-aaral ka malimit mong isipin na sana makatapos ka na agad ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho, pero kapag dumating ang araw na meron ka ng regular na trabaho, minsan maiisip mo na nakaka-miss din palang mag-aral.

 

_____________

“It doesn’t matter where you’ve been; what matter is where you’re going” ― Anonymous

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s