Laguna Del Sur

Na-invite ako… pero hindi sa Condo, sa isang rest house sa Lumban, Laguna.

January 31, Chinese New Year, Walang pasok…. kaya natripan kong pumunta sa birthday ng kaibigan ng kaibigan ko na ngayo’y kaibigan ko na rin (extended friend).

Si Ranz, na taga Majayjay, ang isa sa mga bestfriends ko, siya ang may pakana ng pagpunta ko kahit nahihiya ako, para mameet ko ng personal ang kaibigan niya(College classmate), na Facebook friend ko rin na si Sharmaine na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong araw na yun kasama pa ang ilan pa sa mga kaibigan niya.

Sa layo ng biyahe, na realize ko na bakit walang term na Laguna Del Sur(imbento ko lang)… yung mga southern parts ng Laguna na mahirap at napakalayong puntahan dahil putol na ang SLEX, tulad ng Sta. Cruz, Pagsanjan, Lumban at Majayjay.

Off to Laguna Del Sur. Nakakapagod ang biyahe at di maiiwasan dahil gugustuhin mo talagang matulog sa bus. Halos dalawang oras na biyahe papuntang Sta. Cruz at mga 30 mins papuntang Lumban galing Manila.

patag
Unti unti kong nalanghap ang sariwang hangin na mahirap hanapin sa Metro Manila. Nakakita ko ng mga tanawing malimit kong idrawing noong grade school ako gamit ang ID ko pang-ruler.

rainbow

Masaya naman ang naging resulta ng pagpunta ko, bukod sa preskong hangin at magandang tanawin, syempre meron ding kainan, videoke at kahit walang Tanduay Ice at San Mig light meron namang pamatay na Lambanog na uso sa kanila.

lamba

lumban

(Mula sa kaliwa) Rj, Sharmaine, Giselle, Ijin, Ranz

Masayang makakilala ng mga taong magiging kaibigan mo kinalaunan. Masayang makatagpo ng mga bagong kaibigan sa ibang lugar at makapag-iwan dito ng mga magagandang alaala. πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s