Anong Meron sa Flappy Bird?

flappy-bird-screens

Goodbye Angry birds, hello Flappy bird.

Hindi naman siguro kasama ang Flappy bird sa mga hula ni Nostradamus na senyales na katapusan ng mundo.

Isang araw nagising na lang ako na puro tungkol sa Flappy Bird na ang laman ng timeline ko. Maraming naiinis pero sige pa rin ang laro, anong problema ng mga tao sa mundo ngayon?

Dumating ang oras ng nag-download at naglaro din ako nito at doon ko lang na-realize ang mga pinagsasabi nila. 

bz

Parehong konsepto ng paglalaro dapat relax at focus. Ang pinagkaiba lang walang katapusan ang sa Flappy Bird.

Ang larong Flappy Bird na isang mobile game mapa-Android o iOS ay isa sa mga Toughest Games Ever Made at tinuturing ngayon na Most Frustrating Game Ever. Simple lang naman ang design at mechanics ng game. Ang gagawin mo lang ay panatilihing lumilipad ang flappy bird na hindi tumatama sa mga green pipes na inspired sa larong Super Mario. Sa sobrang kasimplehan ng laro, bukod sa pixelated ang graphics ay wala kang ibang misyon, walang nanghahabol sayo, wala kang kukuning mga coins at walang kang magagamit na power-ups.

Super-Mario-Bros-X-New-Super-Mario-Bros--DS-Battle-Level-Pack_11

What if kung may ganitong stage or kahit bonus round?

Dumating ang oras na medyo naadik na ko sa paglalaro nito. Ibang kaligayahan ang hatid sa ‘kin sa tuwing nakakapasok ang Flappy bird ko. Mahirap sa umpisa na makapasok sa unang pipe (anong basa mo?) kailangan mong magamay at matantiya.

Alam mo para kang larong Flappy Bird, kasi ang bilis kong na-FALL sayo. #banat

Magandang paraan ‘to para makalimot, makalimot sa mga bagay na gumugulo sa buhay mo, makalimutan ang mga taong nanakit sayo,  malimutan ang mga bagay na hindi magandang nangyari sa nakaraan. Pero mali ang akala ko, dahil makakadagdag pa ‘to sa stress ng buhay mo. 

Dumating ang oras na naiinis na ko sa larong ito. Sabi ko “I quit”, ayoko na,  gusto ko ng sumuko pero may nagsasabi sa akin na ipaglaban ko dahil mayroon pang pagkakataon. Para kong pasahero sa MRT na pinagsisiksikan ang sarili.  Kahit mahirap gumalaw sa mga pangyayari at sitwasyon, gusto kong ipaglaban ang aking kagustuhan sa larong wala naman talagang nananalo. Naisip ko na sarili ko lang naman ang kalaban ko sa larong ito… teka teka ang layo na ng mga pinagsasabi ko. lol #hugot

Kung gusto mo ma-test kung gaano katibay ang Gorilla glass ng phone mo i-download mo ‘to.

Maraming mga aral sa buhay ang ibibigay sayo ng larong ‘to. Marami kang matutunang katangi-tanging bagay. Tuturuan kang yumabang, magmura at makalimutan ang mga bagay na dapat na normal mong ginagawa. Isa itong laro na gawa ng kampon ng kadilim.

Dumating ang oras na wala ng kwenta ang mga pinagsasabi ko at kailangan ko ng tapusin ang blog na ‘to para makapaglar 

 

One thought on “Anong Meron sa Flappy Bird?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s