Bestfriend

Sa dami ng klaseng social media platforms na nagsulputan ngayon tulad ng Facebook, Twitter at blogging sites marami kang matatagpuan na mga bagong kakilala na magiging kaibigan mo at magiging ka-close mo bukod sa mga naging kaibigan mo noong nag-aaral ka at mga kapitbahay na naging kaibigan.  Pero sabi nga, hindi lahat ng kakilala mo pwede mong maging kaibigan, hindi lahat ng kaibigan mo pwede mong maging ka-close at hindi lahat ng ka-close mo ay pede mong pagkatiwalaan. Sa panahon ngayon mahirap ng makakita ng isang taong sobra mong mapagkakatiwalaan, yung ituturing mong true friend at one of your bestfriends.

bf2

Sabi nila, (o ako lang?) ang next level ng pagiging mag-close friend ay ang pagiging mag-bestfriend. Hindi nila kinakailangang sabihin sa isa’t isa na mag-bestfriend sila dahil maramramdaman na lang nila yun, sa bawat pag-uusap nila, sa kulitan, sa kalokohan, sa pag-aalala, sa mga sikreto at sa iba’t ibang mga napagdaanang pagsubok bilang magkaibigan. Sila yung mga taong komportableng kang kasama dahil magaan ang loob mo sa kanila. Sila yung mga taong pwedeng gumawa ng biography ng buhay mo. Yung mga taong hindi mahihiyang buksan ang ref niyo para maghalungkat ng pagkain. Yung mga taong okay lang murahin at asarin ka kasi alam niyo sa isa’t isa na lokohan niyo lang yun, in short walang pikunang nagaganap.

Maganda kapag mutual ang pakiramdam kasi mahirap pagnag-assume dahil ito ay nauuwi sa disappoinment. Noon akala ko panget magkaroon ng maraming bestfriend, kasi nga, di ba “best” ibig sabihin isa lang, yung the best talaga, pero napag-isip ko pwede rin namang more than one sa buhay mo, bestfriend noong highschool, bestfriend noong college, kamag-anak na bestfriend, bestfriend sa opisina, Facebook bestfriend, blogger bestfriend at kung anu-ano pa. Syempre pag bestfriend angat ang bonding niyo sa iba. Pero meron din naman na magbestfriend na tahimik lang, nagkahiwalay ng bahay, wala masyadong komunikasyon kasi busy sa kani-kanilang career, bihira magkita at lumabas para kumain at manuod ng sine, pero kapag kinailangan nila ang isa’t isa laging nandyan upang sumoporta. Tulad na lang ng sabi sa isang quote…

Best friends are people you know you don’t need to talk to every single day. You don’t even need to talk to each other for weeks, but when you do, it’s like you never stopped talking.

Iba ang pakiramdam kapag may bestfriend, masaya.

dm1

Kapag ang isang tao tinireat mo as your bestfriend(truefriend), automatic na nagkakaroon ka na ng trust sa kanya at yun ang pinakamahalagang bagay sa lahat ng uri ng relasyon sa mundo. Huwag nating hayaang masira ang tiwala na binigay sa atin.  Sabi nga nila,

Trust takes years to build, seconds to break, forever to repair.

Minsan may mga pagkakataong susubukin kayo ng sitwasyon at pagkakataon upang malaman ang katatagan ng inyong pagkakaibigan.

Sa panahon ngayon, bukod sa nasirang tiwala, dalawang bagay lang ang nakikita ko posibleng maging dahilan kung bakit nagkakaroon ng problema o lamat ang pagsasasama ng mag-bestfriend.

1.Kapag nain-love kayo sa isa’t isa o kapag nain-love ang isa sa inyo.

2.Kapag naging magkaribal kayo o  iisang tao lang ang inyong nagugustuhan.

Ang conflict nga naman ng sitwasyon kapag ganyan, parang sa mga telenobela o pelikula lang makakakita ng ganyang mga senaryo pero posible sa totoong buhay.

BFF, BBF (Best Buds Forever), Super close friend o kahit ano pang tawagan ang maimbento niyo at kahit ano pa mang uri ng bestfriend meron ka, wala yan sa kung gaano katagal kayong magkakakilala nasa kung gaano kayo magtatagal bilang magkaibigan at hindi ka iiwan lalo na sa oras kapag ika’y nangailangan.

bf1

Dati lagi ko sinasama sa dasal ko kay Lord na sana bigyan ako ng madaming kaibigan, tinupad naman niya. Pero ngayon, naisip kong  ipagdasal na sana huwag akong mawalan ng mga totoong kaibigan. Aanhin ko na naman ang madaming kaibigan kung wala naman sa kanilang pwedeng pagkatiwalaan. Pero syempre hindi ko naman pwedeng sisihin si Lord sa mga binigay niya sakeng mga tao na kukumpleto sa takbo ng buhay ko dahil alam ko na maging kaibigan ko man sila o hindi, meron at meron akong matutunan sa kanila. Ako na lang sigurong bahalang tumuklas nun.

bf3

Ayoko ng banggitin pa kung sinu-sino ang mga tinuturing kong mga bestfriends ng buhay ko, basta alam na namin sa isa’t isa yun. Ang masasabi ko lang, masaya akong kasama sila at higit sa lahat ayoko na makikita silang malungkot hanggat may maitutulong ako ay gagawin ko at higit sa lahat ayokong may umaaway sa kanila. Awayin mo na lahat wag lang ang bestfriend ko!

 

 

_____________

“Friendship is born at that moment when one person says to another: ‘What! You too? I thought I was the only one.” ―C.S. Lewis

 

7 thoughts on “Bestfriend

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s