Medyo “About Me”

 improve-writing-skillsNoong bata ako, medyo malikot ang imagination ko at marami akong tanong sa buhay. Kapag naglalaro ako noon ng aking mga laruan iniisip ko para akong isang direktor/headwriter ng isang palabas sa TV. Hindi basta ang laro ko gamit ang mga kotse-kotsehan, malilit na tao at idagdag pa ang sipit ng sasampayan dahil kahit sa simpleng paglalaro gusto ko may malinaw na istoryang tumatakbo. Halimbawa, maglalaro ako ng isang oras, sa loob ng isang oras ay may mabubuo akong kwento at gusto ko kinabukasan kapag maglalaro ulit ako may koneksyon dapat ang istorya sa nilaro ko kahapon. Parang isang tv series pero literal na laru-laro lang. Hanggang noong grade school ako nahilig ako sa pagsulat ng mga maiikling kwento pero magical at sci-fi. Noong highschool medyo naging mature, gusto ko yung mystery, halimbawa, agawan ng yaman, may pumapatay at hindi matukoy kung sino ang nasa likod ng mga patayan. Noong college na-inspire ako sa mga books na nailimbag ni Bob Ong, naisip ko parang gusto ko din ng ganitong genre, simple lang, makulit, pero may nilalaman at magaling at paglalahad. Hanggang sa gumawa ako ng blog.

Medyo madami na ding napagdaanan ang hilig ko sa pagsusulat ng kung ano, literal na dumaan sa iba’t ibang url. Mula pa nung Friendster days na uso din ang blog, napunta sa Facebook note hanggang sa mailipat ako sa blogspot at hanggang sa nakuntento ako sa wordpress.

Minsan na rin ako nakagawa ng English blog, ginawa ko yun hindi para ipaalam sa lahat na magaling ako sa English at hindi para pahirapan ang readers ko na igoogle yung ginamit kong english word na sa tingin ko’y “cool”. Bukod sa makapag share ng info na maiintindihan ng Filipino at ibang lahi, ginawa ko yun para ma-train ang sarili ko in good English grammar. Medyo mahina ako sa English noon at tanggap ko yun. Yup, at nakatanggap ako ng mga di mabilang na komento tungkol sa Grammar ko, at tanggap ko din yun at natutuwa ako kasi natututo ako sa mga pagkakamali ko. Maganda din na may alam ka sa English lalo na yung mga basic dahil ito ang competitive edge nating mga Pinoy upang makipagsabayan sa ibang lahi.

Hindi naman sa against ako sa paggawa ng mga akdang mala-entry sa mga pa essay contest ng “linggo ng wika”, mas okay ako sa Taglish, yun ako. Mas madali ko nailalabas kung ano ang aking gustong iparating. Ayokong ipilit ang sarili ko sa bagay na hindi ako komportable. Mas napapanahon ang mga ginagamit n salita mas madali kang naiintindihan ng mga readers mo. Isa pa mas nakafocus ako sa strategy ng pagsusulat o yung takbo ng mga pinagsasabi ko. Yung tipong ma-eenggayo silang magbasa, gusto ko yung may unting kalokohan pero sa huli may kapupulutan ng aral o kung ano mang mapagtanto nila. Gusto ko din yung tipong may unexpected twist lagi sa dulo o kahit sang part. Gusto ko yung something unique lagi, hangga’t maari. Kaya pag may isang bagay akong gustong i-blog, nagre-research muna ko, baka kasi may ganun na pala isipin pa ginaya ko o di kaya may ganun na pero ang gagawin ko ieenhance ko, elaborate ko pa, o magdadagdag ako ng napapanahong ideya.

cartoon-color-wheel-598x428

Pangarap ko din makagawa ng libro. Laking National bookstore ako kahit hindi literal na may card ako para dun. Lagi ko kasi nakikita yung mga book na gawa nila Bob Ong, Tado, Stanley Chi, Ramon Bautista, bakit kaya hindi naman “Nixon Abonita” o kaya yung penname kong “Juan Malaya” na parang mala-bayaning Pilipino ang dating at handang magpunit ng payslip para ipaglaban ang karapatan ng manggagawang Pinoy. Pero mabalik tayo sa pangarap ko, ang makahilera ang mga bigating Pinoy author sa isang istante sa mga bookstore. Oha. Hehe.

May naisip akong title ng gagawin kong book, “20 years, 20 days: From Son Gokou to Napoles“, lakas maka Maria Ressa baka bigla siyang mainis dahil inispoof ko libro niya hehe. Anyway, tungkol yan sa isang tipikal na batang Pinoy, sa una puro laro at gastos ang alam pero habang tumatagal at habang tumatanda siya unti unti na siyang nagiging aware sa paligid niya, nag-iiba na ang pananaw sa buhay, natututong bumangon sa pagkakadapa at nagma-mature ang isip pero hindi nawawala ang pusong pagkabata.  Gusto ko rin ng Juan’s Upon A Time na minsan ko na rin nabanggit sa iba kong blogpost, kahit hindi ako sure kung may dating yung titulo. Mala-fantaserye ang datingan, gusto kong pagsamahin ang iba’t ibang kwentong pambata at iba’t ibang kwento ng alamat ng kung ano sa iisang istorya.

Hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang mga pinagsasabi kaya ganito na lang

to be continued…

One thought on “Medyo “About Me”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s