Once Upon A Time…

tumblr_static_once-upon-a-time 

ONCE UPON A TIME  naging laman ng Twitter timeline ko ang #OUAT hanggang sa na-curious ako sa kung ano ba yun. Nalaman ko na isa pala itong patok na American fairytale drama series sa ABC channel. Bukod sa Walking Dead at American Horror Story isa pa sa mga pinaka-favorite kong US-based TV shows ngayon ay ang Once Upon A Time. Noong October lang ako nagkaroon ng pagkakataon makapag-marathon at makapaghabol ng episodes.

Simple lang ang istorya. Ang istorya ay umiikot sa mga tauhan galing sa iba’t ibang fairytales. Sinong hindi maku-curious sa kung papano nagawa ng mga matabang utak ng writers at producers na sina Edward Kitsis at Adam Horowitz na pagsama-samahin ang ibat-ibang tauhan sa mga fairytales sa iisang istorya lamang.

Natuwa naman ako sa mga unang episodes hanggang sa ma-hook na ko dahil kaabang-bang ang mga eksena kada episode. Inaabangan ko kung papaano magiging konektado ang mga tauhan galing sa iba-t ibang mga fairytales. Hardcore. Si Snow White kaibigan pala sila Red Ridding Hood, Cinderella at Ariel, bukod sa evil queen naging kaaway niya minsan sila Mulan at Aurora. Nandito rin sila Captain Hook, Belle, Rumplestiltskin, Mad Hatter, Maleficient, Ursula,  Pinochio, Peter Pan at marami pang iba.

once_upon_a_time_wallpaper_12_by_alexandreholz-d5i751o

#MedyoPlot – Ganito kasimple ang istorya noong  umpisa. Umikot ang major story sa kwento ni Snow White. Ayaw naman talaga ng mabait pang step mom(Regina) ni Snow White na pakasalan ang daddy niya dahil may mahal siyang iba. Itong bruhildang mommy(Cora) ni Regina ang nagpupumilit, para nga naman si Regina ang maging reyna sa kaharian nila Snow White.  Dumating ang araw na nalaman ng batang Snow White na may mahal palang iba si Regina at hindi naman talaga mahal ang kanyang daddy. Nangako ang batang Snow White kay Regina na hindi niya ipagsasabi ang kanyang natuklasan pero sagad ang kadaldalan ni Snow White nasabi niya ito kay Cora. Sa sobrang galit ni Cora, nagawa niyang patayin ang boyfriend ni Regina. Then POOF! Alam niyo na kung bakit galit na galit si Evil Queen/Step Mom/Regina kay Snow White. Walang nagawa si Regina kundi pakasalan ang matandang daddy ni Snow White kahit labag sa kalooban niya dahil sobrang pinipilit siya ng kanyang mommy na may itim na kapangyarihan. Fast Forward… sa galit ni Regina kay Snow White bukod sa mansanas na epic fail plan ng evil queen sa kahit anong version ng Snow White, gumawa pa siya ng sumpa na maglalagay sa lahat nga mga fairytale characters sa isang lugar na kung saan ilalayo sila sa kanilang mga mahal at tanging si Regina lang ang magkakaroon ng happy ending. Kung tutuusin mo dahil sa kadaldalan ni Snow White nadamay pa ang ibang mga fairytale characters.

050612_once_upon_a_time120506224735

Syempre kapag may sumpa, may sugo! Ang magiging tagapagligtas at taga-sira ng sumpa ay walang iba kundi ang anak nina Snow White at Prince Charming na si Emma. Mapadpad siya sa Stroybrooke, Maine, ito ang lugar na kung saan sama-sama ang iba’t ibang mga fairy tale charater, pero ang twists, hindi nila natatandaan kung saan sila galing, ang Storybooke ay isang modernong siyudad na ang mayor ay si Regina na tanging siya lamang ang nakakaalala ng lahat(at si Rumplestiltskin din pala- ang pinagkunan niya ng curse). Si Regina ay nag-ampon ng bata na nagkataon naman na anak ni Emma at doon na pumapasok ang napaka-komplikadong istorya. May major conflict at madaming sanga sangang minor conflicts na mabubunyag kada episode. Pero ngayon, umabot na ng season 3 at naparami ng nangyari at nagbago sa kanilang mga buhay.

Bd9apEwCcAAVhIn

#KontingReaksyon – Magaling ang pagkakagawa ng mga special effects at settings, at hindi halatang sa isang studio lang kinuhanan ang karamihang scenes. Kung susuriin ang mga twists at conflicts, ito ay hindi hindi nalalayo sa mga plot ng mga Pinoy Telenobela tulad ng pagkakaroon ng  amnesia, magulang na hinahanap ang nawawalang anak, kidnapan, katulong na na-inlove sa amo, panget na bidang tauhan at kung anu-ano pa.  Dito naman kakaiba at matalino ang atake ng paraan ng paglalahad ng daloy ng mga senaryo dahil  habang tumatakbo ang major story ay may mga flashback events na nangyayari at yun ang nagbibigay ng mga suportang detalye sa kasalukuyang nagaganap.

Ngayon para kong na-inspire na gumawa ng kwento na Once Upon A Time Pinoy version. Pagsasama-samahin ko ang mga kilalang tauhan sa Pilipinas mula sa iba’t ibang kwento tulad ng Ibong Adarna, Florante at Laura, Dyesebel, Kampanerang Kuba, lahat ng mga pinoy superheroes at idadamay ko na rin ang kwento magmula pagong at matsing hanggang hardcore na Noli MeTangere at El Fili. Ano kayang klaseng istorya ang mabubuo ko?Gusto din ng maraming twists ang conflicts pero sa bandang huli syempre masasabi ko ang …and they live happily ever after.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

2 thoughts on “Once Upon A Time…

  1. true… kung hindi daldalita tong si snow, edi wagas ang happily ever after life nia.

    hanggang season 2 pa lang ako. ang season 3 di pa kumpleto sa suking piratahan. 😀

  2. Pingback: Medyo “About Me” | Clarenze Nixon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s