My 360° Journey Around the Sun

Dahil sa sobrang busy ko sa work ko ngayon, natripan ko pang gumawa ng mala-year-end special report. Narito ang ilang mga hindi ko malilimutang pangyayaring naganap sakin sa taong 2013.

Kahit hindi namin nakumpleto ang labing dalawang prutas naging maganda naman ang  pasok sa ‘kin ng bagong taon bukod sa may bago akong relo na niregalo sakin ng sarili ko,  na-awardan agad ako bilang ng 2012 Outstanding Performer sa opisina, hindi ko ineexpect na may makukuha akong ganitong klaseng recognition, at least ngayon alam ko na productive pa rin ako sa trabaho kahit puro konek lang ako sa WiFi noon. Mayroon din awarding kada quarter ng mga Top Performers, hindi man ako consistent, pero lagi ko naman sinasabi sa sarili ko na I may not be on top, but I’m always on my way.

1477935_10202916427820013_18011689_n

Nakuha kong recognition noong 3rd Quarter. “Star Performer” – lakas maka Reality/Talent search sa TV.

First time kong makapunta sa Baguio City at makatikim ng taho na Strawberry flavor. Naging bahagi din kami ng kanilang pagdiriwang ng Panagbenga Festival. Sulit ang tatlong araw na pamamalagi ko rito dahil sa dami ng aming napuntahan. Medyo ayoko lang magpapicture sa pader ng Baguio Botanical Garden.. may biglaang bayad.  Sa kabila ng napabalitang banggaan patungong Baguio at isang pagsabog sa mismong siyudad ay naging safe naman ang aming pagpunta rito.

75511_10151278676901126_1709230014_n

Baguio City’s Mines View Park… obviously.

Isa sa mga di malilimutang adventures ko ngayon 2013 ay ang pagpunta sa Baler. Kasabay ng pagkakaroon ko ng mga bagong kaibigan, tinahak namin ang iba’t ibang mga tourist destinations sa lugar na ito. Mula sa Millenium Tree patungong Mother Falls hanggang sa tuktok ng Ermita Hill. Malilimutan ko ba ang lugar kung saan muntikan na ko malunod? …sa Sabang beach!

536233_10201136297117858_1778249596_n

Sulit ang halos 30 minutes na paglalakad paakyat ng Mother Falls.

Isang kaibigan mula sa Lucban, Quezon ang nag-imbita sa ‘kin na pumunta sa kanilang lugar upang masaksihan ang kanilang natatanging pagdiriwang ng Pahiyas Festival. Unang beses ko pa lang din makapunta dito at makita ang nagagandahang mga bahay na nilagyan ng disenyo mula sa kiping. Kitang kita sa naging resulta ang ang kanilang pagtitiyaga at pagod sa paggawa.

969122_10201409611310542_1670961755_n

Naimbitahan rin akong maging bahagi ng isang workshop/seminar ng YouScoop sa GMA Network. Ito’y bilang paghahanda sa nalalapit na eleksyon noon at mga paalala na maging ang pangkaraniwang indibiduwal ay meron na ring kakayahang makibahagi at magbahagi ng mga impormasyon sa tulong ng mobile phones at social media, ito ay tinatawag nilang citizen journalism.

27158_10151317005791126_1682865919_n

Picture picture after Howie Severino’s talk 🙂

Isang masayang Team Building rin ang naganap sa 8 Waves Waterpark and Hotel sa Bulacan kasama ang aking mga officemates at buong Department ng aming business unit. Actually, 10% team building activity and 90% outing/swimming. Maganda ang lugar, masarap ang pagkain at wala akong karapatang magreklamo dahil libre lahat pati transpo.

1000764_10201804002170067_865523495_n

Nagkaroon din ako ng pagkakataong makanuod ng live sa Gandang Gabi Vice dahil sa imbitasyon ng isang malapit na kaibigan. Dito ko nalaman na ang isang katulad nitong 1-hour tv show ay inaabot ng mahigit tatlong oras na preperasyon at actual taping. On at off cam masaya ang vibes na naramdaman ko habang nagmamasid sa mga staff at artistang bisita. Kailangan mo lang talaga sumunod sa stage director sa kung gaano kataas ang kamay mo kapag papalakpak ka as an audience.

1002203_10202329607669876_133218477_n

Sila yung mga kasama kong nakitawa ng live sa studio.

Paminsa-minsan nagiging aktibo rin ako sa pagsali ng iba’t ibang pakulo at pacontest sa social media. Nandyan na yung nanalo ako ng cellphone load sa Smart at Globe, concert tickets, pyrolympics, gift certificate at iba pa. Siyempre kung sa tingin ko’y sobra sakin ang nakuha ko, marunong naman akong magbahagi ng nakuha kong blessings sa iba.

562414_10201287743703928_185540523_n

Worth P4,000 concert tickets na bigay ng Mall of Asia at Orange Magazine TV plus Close Up gift packs.

Kung  materyal na bagay ang pag-uusapan, bukod sa bahay at lupa at kotse, kuntento na ko sa kung anong meron ako. Nakuha ko na naman yung mga bagay na kailangan ko at yung ibang ginusto ko, hindi dahil sa raffle o contest kundi dahil sa pinaghirapan ko itong pag-ipunan.  Sabi nga nila You don’t always get what you wish for, but you always get what you work for.

1454584_10203036770788512_1792995120_n

Samsung Galaxy S4 – isa sa mga gadgets ko na pinilit kong pag-ipunan

Hindi lang puro lakwatsya ang alam kong gawin ng buong 2013, syempre paminsan-minsan at kahit sa paanong paraan ay may nakalaan akong oras para magbigay tulong sa iba. Bukod sa pagiging volunteer sa DSWD upang makapag-repack ng mga pagkaing ihahatid sa mga nasalanta ng bagyo, nakisama rin ako sa Corporate Social Responsibility Day pangunguna ng kumpanyang aking pinagtatrabahuhan. Hindi ko rin makakalimutan ang araw na kami’y tumahak sa Antipolo ng kaibigan kong blogger kasama ang kanyang mga kaibigan upang magbigay ng mumuting kaligayahan sa mga batang nangangailangan ng mga gamit pang-eskwela.

944223_10201792594524883_1458280138_n

Mahaba man ang biyahe sa pagpunta sa lugar na ito, sulit naman dahil kami’y nakatulong at nakapagbigay ngiti sa mga batang naririto.

Ang mga materyal na bagay na natanggap,  ang mga bagong kaibigang nakilala at mga kaligayahang natamo ay itinuturing kong isang napakalaking blessings.

Heto’t matatapos na ang taon at papasok na ang panibagong yugto, na kumbaga sa isang TV show,  ito na ang panibagong season! Mga bagong tauhan ang makikilala, mga bagong twists ang susubok sa ating kakayahan at pagkatao, isang malaking hamon na naman ang ating kakaharapin sa panibagong bukas na naghihintay sa atin. 🙂

One thought on “My 360° Journey Around the Sun

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s