Worldwide Support for the Philippines

BZBNBNyCUAA_uP8

Isang matinding pagsubok ang kinakaharap ngayon ng Pilipinas matapos hagupitin ng supertyphoon Yolanda (Haiyan) partikular na ang Visayas region. Itinuturing na isang delubyo ang pananalasa nito dahil sa pagkasira ng libo-libong kabahayan, kabuhayan at pagkasawi ng napakaraming  naninirahan doon.

Nakasimpatya ang maraming mga pinuno ng iba’t ibang bansa at nagpaabot ng tulong pinansyal, sasakyan, serbisyo at iba pang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, gamot at kuryente. Ang ilan sa mga bansang ito ay ang United States, Britain, China, Japan, Australia, Canada at mga organisasyon tulad ng World Food Programme (WFP), UNICEF at marami pang iba.

Ilan rin sa mga local celebrities, NGOs, pribadong kumpanya at iba pang mga organisasyon ang nagpahayag ng kanilang pagtulong.

Marami ring mga kilalang personalidad sa ibang bansa ang nagpahatid ng panalangin at pakikidalamhati sa Twitter, at sa pamamagitan ng kanilang impluwensya, sila’y tumulong sa pagpapakalat ng impormasyon upang makatulong rin ang iba.

Narito ang ilan sa kanila:

Bilang isang Pilipino, lubos na nakakataba ng puso na malaman na maraming bansa ang nakaagapay sa Pilipinas upang tumulong sa muling pagbangon ng marami nating mga kababayang nasalanta ng matinding kalamidad. #BangonPilipinas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s