So What’s Satire?

Satire (n.) The use of humor, irony, exaggeration, or ridicule to expose and criticize people’s stupidity or vices, particularly in the context of. 

Sa social media ang satire ay maaring maging isang uri ng video, larawan o isang uri akda na ginagamitan ng komedya at may pagka-exagerated na tema upang mailahad ang ideya na may halong kritisismo at sarkastiko. Pero ano ba ang nagiging epekto nito sa mga nakakapanuod o nakakabasa?

Inaaksyunan at minamadali na ng ating gobyerno ang paggawa ng batas upang matigil ang satire sa Pilipinas. Karamihan sa mga politiko ang nagsasabing kailangan alisin ang satire sa Pilipinas dahil nagreresulta ito ng kalituhan at nilalayo ang publiko sa katotohanan. Lumabas sa isang pag-aaral na karamihan sa mga Filipino ay mayroon kakulangan sa pag-unawa sa kung ano ba ang pinagkaiba ng katotohanan sa satire.

When the satirical piece came out on Facebook, most Filipinos reacted as if it were true. We have come to the conclusion that satire is hazardous. –Marcos Madalang

Sinabi rin ni Randolf David, isang kilalang sociologist sa Pilipinas na ang dahilan daw ng kalituhan sa pag-unawa sa satire ay ang madalas na panunuod ng mga Pinoy ng mga telenobela gabi-gabi.

swn-icon_small

News that won’t make you depressed to read the news

Aking nakapanayam ang isa mga sikat na humor blogger at may matabang utak pagdating sa pagawa ng mga balitang satire. Dahil sa klase ng kanyang blog itago na lamang natin siya sa initial na SWN, ang blogger sa likod ng “So What’s News?”.

Ang nagpahikayat sa akin ay yung The Onion, na gusto ko sanang pang Pinoy na topics. -SWN 

Dalawang taon na ang nakakaraan nang ma-ipublish niya ang kauna-unahang blogpost na umani na napakaraming shares at iba’t ibang reaksyon sa mga forum sa social media, ito ang “After Anti-Planking, Lawmaker Proposes Anti-Angry Birds Bill”. Marami ang natawa at marami ring nainis sa paniniwalang totoo ang balitang kanilang nabasa.

Layunin po nito(So What’s News?) ang pagbukas ng isipan ng bumabasa sa mga maling gawain at kagaguhan sa lipunan at makapag spark ng conversation o debate via comments about sa tinutumbok ng particular na artikulo. Ngunit kadalasan ay hindi naaachieve dahil hindi narerealize ng bumabasa na satirical ang artikulo, at kadalasan ang debate/convo ay nauuwi sa pag point out ng ilan sa mga hindi nakakaalam na satire nga gamit… – SWN 

Nilinaw rin niya na hindi grupo ng mga bloggers ang nasa likod ng wordpress account. Iisang tao lamang ang humahawak ng blogsite. Hindi man siya direktang nagpakilala sa akin pero inamin niyang nasa early 30s na ang kanyang edad, hindi siya isang professor, attorney at lalong hindi siya isa sa mga natalong konsehal sa kanilang lugar, siya ay isang pribadong tao na ang layunin ay makapagpasaya gamit ang araw-araw na balita.

Sinabi niyang isa sa mga dahilan kung bakit hindi agad makuha ng ibang mga mambabasa ang tunay na layunin na kanyang mga naipa-publish ay tamad di umano ang ilan na basahin ang buong artikulo. Headline lamang ang basehan ng ilang mga nagkokomento sa blog at hindi na nakikita ang malinaw na senyales na ito ay katuwaan lamang.

So What’s News?(satire) teaches us to be criticial sa lahat ng bagay, whether sa mga binabasa sa internet, sa pagpili ng liligawan o sa pagboto sa politician. -SWN 

Bukod sa mga nakakaaliw na ideya na laman ng artikulo, ang comment section ang isa pang interesating basahin. Napapaloob dito ang mga reaksyon ng mambabasa hindi lamang sa kung paano nila naintindihan ang nabasa kundi sa kung paano sila magre-reaact patungkol sa iba pang komento.

Maaaring confusing or bago sa paningin ng karamihan ang concept o style of humor na ganito, nasanay kasi ang karamihan sa mga jokes tulad sa mga tv shows at comedy bars. Nasanay tayo sa ganitong klase na: “O joke ito, buildup, punchline, make face, canned laughter”. – SWN

Ang “Lolong – Newest Member of Kapamilya Network” ang kanyang kauna-unahang blogpost.

Narito naman ang ilan pa mga So What’s News post na nagtrending at pinaka-nagmarkang satire news sa loob ng dalawang taon.

1. Dan Brown Working on New Non-Fiction Novel Depicting Manila as ‘Heavenly’ 

2. Overconfident Nancy Binay Dares the Filipino People: DO NOT VOTE FOR ME!

3. 2014 FIBA World Cup Cancelled to Avoid More Derogatory Remarks in Case of Gilas Defeat

4. Filming of Bourne Legacy Around Metro Manila Cancelled Due to MMDA Cleanup

5. Unilever Asked to Rollback Prices of Magnum After it was Discovered to be Overpriced.

6. CBCP Asks MTRCB to Suspend ‘My Husband’s Lover’. GMA to Replace it with ‘My Father’s Lover’

7. Cebu Pacific Announces “Centavo Fare Promo” to Win Back Public’s Trust

8. Philippines Named ‘Most Stupid Country to Elect a 20-Year OJT as a Senator’ by Time Magazine

9. Retailers Ordered to Stop Selling Diablo 3 After CBCP was Granted TRO by SC

10. DOJ Releases New List Containing Absurd Stuff Owned by Napoles

 Salamat sa pagsubaybay all throughout these years. Salamat po sa pagtangkilik ng aking blog… Nawa’y ishare nyo ang artikulo para mapatawa ang inyong mga kaibigan at pagpulutan ng aral, at hindi para sila ay linlangin. 🙂 -SWN 

Hindi lahat ng ating mga napapanuod na balita sa telebisyon o naririnig sa radyo ay makapagbibigay sa atin ng kasiyahan, pero ang ganitong klase ng pagbabalita na may halong komedya ay nakakapagdagdag aliw sa kung sino man ang makakapagbasa nito. Kailangan lang natin maging mapanuri sa kung anong nilalaman ng kahit anong balitang ating nababasa sa internet at maging sa blog na ito.

One thought on “So What’s Satire?

  1. ever since i first read SWN, i’ve been a fan. it’s an escape to the oftentimes cynical tone of the news nowadays with all the scandals. i often laugh at people who take the website as gospel truth and react accordingly. it’s just sad that people nowadays either can’t take a joke and have a good laugh or worse, don’t see the joke because they do not know what satire is. bunch of onion-skinned idiots.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s